Close

Palasyo, dumepensa sa pag-endorso ni Duterte kay Jinggoy

Sponsor ads


Denepensahan ng Malacañang ang pag-eendosrso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate bid ng plunder defendant na si Jinggoy Estrada, at iginiit na

ang dating senadr ay maikokonsidera pang inosente sa ilalim ng konstitusyon habang wala pang pinal na hatol para sa kanya.

Si Duterte na mariing tumututol sa kurapsyon sa gobyerno, ay una nang nagpahayag ng kanyang suporta kay Estrada, ilang araw bago ang pagsisimula

ng official campaign season.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naka-piyansa at nakalaya ang dating mambabatas dahil ang fact sa evidence of guilt ay mahina.

Matatandaan na si Estrada ay isa sa mga mambabatas na nakasuhan ng graft td plunder noong 2014 dahil sa umano'y pagkakadawit sa multibillion-peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.