Close

Palasyo, binati ang Davao re: Persona non-grata vs Trillanes

Sponsor ads


Binati ng Palasyo ang mga opisyal ng Davao City matapos nilang ideklarang persona non grata si Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ng Davao City laban sa senador.

Pero bilang kalihim, binabati nya ang hakbang na ito ng Davao.

Mababatid na sa regular session ng Davao City Council, idineklarang persona non grata si Trillanes dahil sa pagbansag nito sa hometown ng pangulo bilang "most dangerous city in the Philippines".

Sinabi ni Vice Mayor Bernard Al-ag na isang insulto ang komento ng senador pero sagot naman ni Trillanes, talagang masakit tanggapin ang katotohanan.