Close

Pakistan media regulator board: 'Bedscenes, bawal sa TV'

Sponsor ads


Inanunsyo ng media regulator board ng Pakistan na plano nito na ipagbawal sa telebisyon ang mga "intimate moments" at "bed scenes".

Nagbabala ang Pakistan Electronic Media Regulatory Authority sa lahat ng channels na irespeto ang umiiral na media guidelines sa kanilang bansa at iwasan ang pag-ere ng content na hindi tama ang depiksyon ng tunay na "Pakistani society".

Ayon sa PEMRA, marami na itong natanggap na reklamo dahil sa pagpapakita ng "bold themes" ng drama industry sa Pakistan.

Dagdag ng ahensya, ang mga indecent scenes, dialogues, extramarital relations, violence, maling kasuotan, rape scenes, paglalambingan, bed scenes, paggamit ng droga at alkohol, at iba pang intimate moments ay ginagawang glamoroso sa paningin ng tao habang binabalewala ang Pakistani culture at values.

Mababatid na karamihan sa mga drama at soap opera sa Pakistan ay nagpapakita sa ilang social issues nito kabilang na ang domestic violence, child abuse, misogyny, at kababaihan.