Close

Painting ni ex-Pres Cory Aquino na dating pag-aari ni Ai-Ai, ipapa-auction

Sponsor ads


Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na totoo ang ulat na ibinigay niya sa isang kakilala ang painting ni dating Pangulong Cory Aquino, nang walang anuman na kapalit.

Ang painting na may pamagat na "Please Help Me" ay isang oil on canvas painting ng isang babaeng lumuluha na ipininta ni Cory noong 2005, ay iniregalo umano sa kanya ni Kris Aquino, noong magkaibigan pa sila.

Ayon kay Ai-ai, ibinigay niya kay Bert ang painting na may sukat na 36 cm x 46 m, at may pirma ng dating Pangulo ng Pilipinas, tatlong taon na ang nakararaan.

Si Bert ang madalas tinatawagan ng aktres kapag gusto nitong magbawas ng mga gamit sa bahay.

Ang painting ni Cory na for auction sa kategorya ng Kingly Treasures Auction ng Leon Gallery sa Makati City, ay may presyong P200,000 na gagawin sa isang live bidding sa November 28, 2020.

Samantala, alam naman umano ng komedyante ang naturang pag-auction, dahil ipinaalam umano ito ni Bert sa kanya, kung saan isa lang ang hiniling ni Ai-Ai kay Bert, ang magbahagi ito ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses kapag nabenta ang painting ni Aquino.

Ayon kay Ai-ai, ito rin naman talaga umano ang plano ni Bert ang magbigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.