Close

Painting ni Banksy, nag-self destruct matapos mabili sa auction

Sponsor ads


Nag-self destruct ang stencil painting ng elusive artist na si Banksy matapos mabenta ang obra sa halagang $1.4 milyon na ikinagulat ng mga onlookers.

Inauction kasi ang famous artwork ni Banksy na"Girl With Balloon" sa Sotheby's sa London kung saan mahigit tatlong beses na itinaas ang presyo sa pre-sale estimate nito.

Noong nag-sound na ang alarm, dumaan sa shredder ang painting sa nasabing frame kaya lumabas ito sa baba in strips.

Laking gulat ng mga tao nang matunghayang napira-piraso na ang mamahaling painting.

Na-realize ni Alex Branczik, head ng contemporary European art sa Sotheby's na na-prank sila ng nasabing artist.

Sinabi naman ng auction house na pag-uusapan nila ng buyer ang gagawing hakbang matapos ang shocking event.