Close

Pagwkestiyon sa VFA termination, hahayaan ng Palasyo

Sponsor ads


Hindi pipigilan ng Malakanyang ang sinumang mambabatas na dalhin ang usapin ng pagbasura sa Visiting Forces Agreement sa Korte Suprema.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo may karapatan ang mga senador na sumangguni sa kataas-taasang hukuman kung may mga pagkwestiyon sa isyu ng VFA.

Hahayaan din umano ng Malakanyang ang Korte na magbigay ng kanyang komento kaugnay sa naturang usapin.

Subalit binigyan diin ni Panelo na walang magbabago sa posisyon ng Pangulong Duterte na ibasura ang VFA.

Nakikita na rin umano ni Panelo ang posibleng pagkalas ng Pilipinas sa iba pang kasunduan kasama ang Amerika katulad na lamang ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement.//LB