Close

Pagtatayo ng POGO hubs o communities, suportado ng DOF

Sponsor ads


Itinuturing na welcome development ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang planong pagtatayo ng community hubs sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sector.

Ayon kay Dominguez, sa ganitong paraan ay mas madaling mamo-monitor ang pagbabayad ng income taxes ng Chinese at iba pang foreign workers.

Mas magiging madali aniya ang paghuli sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis dahil nasa iisang lugar lamang sila.

Kumpiyansa rin ang kalihim na mareresolba sa pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang mga isyung ikinababahala ng China sa POGO gaya ng pambibiktima ng kidnapping, extortion at pagnanakaw.

Mababatid na sa isang statement ay iginiit ng embahada ng China sa Pilipinas na ang anumang uri ng pagsusugal ng Chinese citizens kasama na ang online gambling na makaeengganyo sa kapwa-kababayan ay ilegal.