Close

Pagtataas ng tax rate para sa mga ospital,paaralan, di uubra

Sponsor ads


Duda si Sen. Sonny Angara na magiging epektibo ang pinaplanong pagpapataw ng graduated tax sa mga paaralan at hospital na pinatatakbo ng mga religious groups.

Ayon kay Angara, sa kasalukuyang lagay ng inflation rate sa bansa o pagtaas ng presyo ng bilihin, hindi aniya makabubuti na itaas pa ang buwis para sa mga paaralan at ospital.

Giit ng senador, ito ay dahil maipapasa rin sa mga mag-aaral at pasyente ang bigat ng cost ng graduated tax.

Magugunitang sa kasalukuyang sistema, ang mga non profit educational institutions at mga non profit hospitals ay tumatanggap ng 10 percent preferential income tax rate.

Pero sa ilalim ng second tax reform package, papatawan ang mga institusyong ito ng 25 percent na buwis na halos doble ng ipinapataw na buwis ng gobyerno.

Nauna nang inihain ni Senate President Vicente Sotto ang Senate Bill 1906 o Corporate income tax and incentive reform act pero hindi pa ito naisasalang sa pagdinig sa committee level.