Close

Pagtanggal sa accreditation ng CNN reporter, kinondena

Sponsor ads


Binatikos ng ilang mamamahayag ng United States ang pag-alis ng White House sa hard pass o accreditation ni CNN reporter Jim Acosta maatapos mapikon rito si US President Donald Trump.

Agad na pinatigil ni Trump si Acosta dahil hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtatanong nito na tila ba nangongompronta.

Dahil rito ay ipinag-utos ni Trump sa White House staff na kunin ang mikropono sa mamamahayag.

Pinigilan rin si Acosta na makabalik sa White House kinagabihan kung saan ay hiningi pa sa kanya ang hard pass na agad naman nitong ibinigay.

Kasunod nito ay sinabi ni Trump na hindi ito nababagay sa kanyang trabaho.