Close

Pagtakbo ni Jinggoy, "greatest problem" para kay JV

Sponsor ads


Itinuturing ni reelectionist Senator JV Ejercito ang pagtakbo ng kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada sa pagkasenador bilang "greatest problem" kaya siya hirap makapasok sa Top 12.

Ayon kay Ejercito, bihira lamang ang boboto ng dalawa kaya tiyak na pipili lamang ng isa sa kanila.

Paliwanag niya, kahit sa konsehal man, board member, o kagawad, marami ang nalilito kapag magkapatid ang tumatakbo.

Mababatid na si JV ay anak ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa dating aktres at outgoing San Juan Mayor Guia Gomez.

Habang ang kapatid nito na si Jinggoy ay anak ni Estrada sa asawa nito na si Loi Ejercito.

Batay sa partial at unofficial tally ng transparency server ng Commission on Elections, nasa ika-13 pwesto si Ejercito habang si Estrada naman ay nasa ika-15 pwesto.

Tanging 12 senador lamang ang mananalo.