Close

Pagtaas ng interest rate, paghahanda sa pagtaas ng inflation -BSP

Sponsor ads


Nilinaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr. na ang pagtaas ng interest rate ay bilang preparasyon sa bantang muling pagtaas ng presyo ng mga bilihin maging ng inflation rate.

Nakatakda kasing magtaas sa 4% ang borrowing rate ng BSP.

Ito na ang naitalang pinakamataas sa loob ng 10 taon.

Paliwanag ng Espenilla, dahil sa tuloy tuloy na pagtaas ng singil sa pasahe, tubig, presyo ng Dubail oil at tabacco excise tax, dapat lang na magkaroon ang BSP ng policy action.