Close

Pagtaas ng electric bill sa Aklan, posible dahil sa Boracay closure

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN – Posibleng tumaas ang singil ng kuryente sa Aklan sakaling maipasara na ang isla ng Boracay sa Abril 26.

Ito ang sinabi ni Aklan Electric Cooperative (AKELCO) General Manager Alexis Regalado, kung saan tinatayang P1.59 kada kilowatt hour ang itataas na singil sa kuryente.

Paliwanag ni Regalado, mangangailangan kasi sila ng mahigit P82-million para sa relocation ng kanilang mga poste sa gagawing road widening o pagpapalapad ng kalsada.

Subalit maari pa umanong magkaroon ng pagbabago sa rate increase kung ipagpaliban ang pagsingil sa kanila ng kinontratang power supplier.

Sa kabila nito, ipinasiguro naman ng AKELCO na sapat ang supply ng kuryente sa probinsya habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay. BNFM Kalibo