Close

Pagsalba sa isla ng Boracay, panawagan ng DENR at DOT

Sponsor ads


ILOILO CITY - Mahigpit ang panawagan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) na maisalba ang Boracay na itinuturing na “world’s most beautiful island.

Ang nasabing panawagan ay ginawa sa pagbisita sa isla nina DENR Sec. Roy Cimatu at DOT Secretary Wanda Teo noong araw ng Miyerkules.

Mismong sila ang nakasaksi sa sitwasyun ngayon ng isla nang isagawa ang aerial inspection.

Nakita rin nila ang problema sa basura at mga drainage na lubos na nakakaapekto sa isla.

Nangako naman ang DENR at DOT na tutulong sa isla para masolusyunan ang nasabing mga problema at maisalba ito bago pa tuluyang mawasak. BNFM Kalibo