Close

Pagpatay sa 3 pari, pinapaimbestigahan sa Senado

Sponsor ads


Nagpatawag ng imbestigasyon si Senator Risa Hontiveros kaugnay sa 3 insidente ng pagpatay sa mga pari sa loob lamang ng 6 na buwan.

Kinwestyon ng Senadora ang tila pagkakaroon ng "pattern" sa mga krimen kung saan ay target nito ang mga kritiko na pumupuna sa karahasan, paglabag sa karapatang pantao at kurapsyon.

Kabilang sa mga nais paimbestigahan ng Senador mula sa minorya ang kaso ng pagpatay kina Rev. Fr. Richmond Nilo, Rev. Fr. Mark Anthony Ventura at Rev. Fr. Marcelito Paez.


Iginiit rin ni Hontiveros na nangyari ang patayan matapos ang serye ng mga patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika.

Dapat anya ay tigilan na ng Pangulo ang mga verbal attacks nito sa simbahan.

Mababatid na itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga birada ng Pangulo laban sa mga pari ay may kinalaman sa mga patayan.

Tiniyak rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maatim ng 3 pari na pinaslang ang hustisya.