Close

Pagpapaunlad ng agrikultura, alternatibo para sa mga OFWs

Sponsor ads


Hinimok ni Siquijor Representative Rav Rocamora ang national government na bigyang-pansin ang rural development at agrikultura sa bansa para sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers na umuwi mula sa Kuwait.

Ayon kay Rocamora, bagama't may mga panawagan sa investors na mamuhunan sa bansa, mas makatutulong umano sa mga lalawigan ang paglikha ng maraming trabaho sa naturang sektor.

Malaking problema aniya na mawawalan ng trabaho ang nasa 250,000 OFWs kaya kailangan nang kumilos ng gobyerno upang mabigyan sila ng pagkakakitaan.

Paliwanag ng kongresista, ang paglalagak ng puhunan sa agrikultura ay magandang alternatibo sa pag-aabroad ngunit long term solution rin dahil maiibsan ang kahirapang dinaranas ng mahihirap na sektor tulad ng mga magsasaka at mangingisda.

Marami pa umanong bansa sa Silangang Asya na may mas maayos na proteksyon ang maaaring puntahan ng mga migrant workers pero hangga't walang trabaho sa Pilipinas ay mananatili ang mga kuwento ng pang-aabuso at pagdurusa.