Close

Pagod sa life pero #FeedGoals parin? choose #SelfCare goals naman

Sponsor ads


Active sa social media accounts, mapa-Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, o Tumblr pa kung saan makikita mo ang #FeedGoals at kung ano pa mang hashtag goals sa para bang napaka-perpektong buhay.

Meron yung puro upload ng vacation photos, or constant update ng ginagawa sa work o personal na buhay, meron namang lahat ng bagong gamit o bigay sa kanya may photos and long caption pa.

Pero sa totoo, puyat sa trabaho, pagaaral, panunuod ng series, exhausted emotionally, physically, o di kaya nama’y bored… in short, pagod sa life, sadyang tinatago lang.

Marami ang nakakaranas ng ganitong experience habang ang iba pa nga’y lumalala hanggang maging depresyon na; kaya hindi sapat ang simpleng me-time lang, ang tunay na pagaalaga sa sarili ay hindi lang basta 2 hour massage, 1 day hiking o trekking, o isang linggong out-of-town o out of the country.

Ang self-care ay isang disiplina. Hinihiling nito ang iyong focus, malalim na pagunawa sa responsibities at priorities mo, at respeto para sa’yong sarili at sa mga taong nasa paligid mo.

Ang habit ng self-care ay maaaring makita sa:

•Pagpatay ng tv o gadget kaysa manuod ng isa pang episode ng “Goblin” o “Riverdale” dahil kailangan gumising ng 5am kinabukasan.
•Pagtanggi sa pag inom ng alak sa party at celebration na pinupuntahan
•Pag tutol sa mga bagay na ‘di bukal sa loob mong gawin maski pa may magagalit sa’yo.
•Pagkontrol sa financial expenses.
•Paglalaan ng oras sa bagay na productive o may kwenta lamang
•At hayaan ang ibang tao na alagaan ang sarili nila

Real talk! Mahirap talagang baguhin ang mga nakasanayan nang ginagawa sa araw araw o sa buong taon.

Ang konsepto ng self-care ay nangangahulugang kailangan mong lumabas sa comfort zone mo…na magagawa mo lang kung malinaw sayo ang dahilan ng ginagawa mo at kung gaano katatag ang iyong prinsipyo.

Pero kapag nagawa mong piliin ang mga bagay na mas makakabuti para sa’yo, saka pa lang maguumpisa ang tunay na #goals sa buhay mo kung saan tunay kang magiging masaya at tunay mong maa-appreciate lahat ng tao at bagay na mahalaga sa para sa’yo.