Close

Paglobo ng dengue cases dahil sa water crisis, ibinabala ng DOH

Sponsor ads


Nangangamba ngayon ang Department of Health sa posibleng pagsipa ng dengue cases sa bansa kasunod ng nararanasang water crisis sa Metro Manila at sa mga karatig na lugar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat alam ng publiko ang tamang paraan ng pag-iimbak ng iniigib na tubig para hindi pamugaran ng lamok na may dalang dengue.

Giit ng kalihim, dapat siguruhing may takip ang mga lalagyan ng naimbak na tubig kung saan maaaring gamitin dito ang plastic upang hindi na gumastos pa ng karagdagang halaga.

Samantala, sinabi rin ng opisyal na dapat ay gamitin lamang panligo o panlinis ng paligid ang mga nakukuhang tubig sa rasyon at hindi ito dapat inumin.
Kung hindi naman aniya maiiwasang inumin ito ay dapat tiyaking mapapakuluan muna ng maayos upang makaiwas sa sakit.

Matatandaang mabot na sa 40,614 ang dengue cases sa bansa mula Enero hanggang Marso 2, na mas mataas ng 68 percent sa naitala sa kaparehong panahon noong 2018.