Close

Paglilitis sa kaso ng Saud princess sa Paris, sinimulan na

Sponsor ads


Sinimulan na ang pagdinig ng korte sa Paris sa kasong complicity to violence with a weapon at complicity to kidnap na isinampa ng isang trabahador laban kay Saudi Princess Hassa bint Salaman, na babaeng kapatid ni Crown Prince Mohammed bin Salaman.

Ito ay matapos mapaulat na inutos umano ng princess sa bodyguard nito na atakehin ang Egyptian na si Ashraf Eid sa Paris noong 2016.

Sinabi sa ulat na pinahalik ng bodyguard ang lalaki sa paa ni Salaman bilang bahagi ng pag-atake dahil sa pagkukuha ng trabahante ng larawan sa palikuran ng apartment ng hari ng Saudi.

Ayon kay Eid, ginawa niya ito upang malaman niya kung saan nakapwesto ang mga kagamitan bago siya nagsimula sa kanyang trabaho.

Hindi naman nagpakita ang princess at ang nag-aakusa sa kanya sa korte ngunit nandoon ang bodyguard na si Rani Saidi kasama ang kanyang pamilya.

Iginiit naman ng abogado ng princess na si Emmanuel Moyne sa isang panayam na hindi totoo ang alegasyon laban kay Salaman na tinukoy niya bilang caring, humble, approachable at cultured woman.