Close

Paglala ng ekonomiya sa susunod na 12-buwan, pinawi ng BSP

Sponsor ads


Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pangamba ng maraming Pinoy sa posibleng paglala ng ekonomiya sa susunod na labing-dalawang buwan.

Ginawa ng BSP ang pahayag matapos ang lumabas sa SWS survey na 40 percent ng mga Filipino ang naniniwalang mas sasama pa ang kondisyon ng ekonomiya sa susunod na taon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin E. Diokno taliwas sa iniisip ng maraming mga Pinoy, nasa recovery path na ang domestic economy ng bansa na nalugmok dahil sa ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Diokno nakatulong dito ang dahan-dahan pagbabalik ng mga negosyo matapos luwagan ang quarantine restriction sa malaking bahagi ng bansa.

Naniniwala si Diokno na asahan pa na makakabawi ang ekonomiya sa fourth quarter ngayong taon at magtutuloy-tuloy hangang sa 2021.