Close

Pagkontra ni Sara Duterte sa peace talks, welcome sa peace adviser

Sponsor ads


Ginagalang ni Presidential Adviser on the Peace Process chief Secretary Jesus Dureza ang pusisyon ni Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaugnay sa plano ng gobyerno na ibalik ang naputol na peace talks.

Nilinaw ng Kalihim na hindi sila nagkokontrahan ng Presidential daughter at sa katunayan ay welcome sa kanya ang sinabi nito kontra sa usapang pangkapayapaan.

Ang opinyon daw ng alkalde ang nagbibigay sa kanila ng vigilant environment sa peace process kasama ang National Democratic Front (NDF).

Matatandaan na sinabi ni Mayor Duterte na ang huling pagkakataon na ibinigay sa NDF ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ay walang kwenta.

Ipinunto kasi ng alkalde na hindi sinsero sa peace talks ang mga Komunista dahil sa patuloy nitong paggawa ng karahasan kabilang na ang panununog nito sa P1.3-billion road project ng Department of Public Works and Highways sa Davao City noong Holy Week.

Ipinaalala rin ng Presidential daughter sa kanyang ama na tatanda ng walang tatay ang 2 anak ng fish vendor na si Larry Buenafe matapos itong mapaslang mula sa pag-atake ng NPA sa Lapanday Food Corporation noong nakaraang taon.