Close

Pagkikita indoors sa UK ng mga tao na magkaiba ang bahay, ipinagbawal

Sponsor ads


Dinipensahan ng UK health secretary ang biglaang pagpapatupad ng gobyerno ng ilang mga restriksyon sa malaking bahagi ng northern England noong Biyernes.

Sinabi ni Matt Hancock, na isa itong desisyon na wala ang may gusto, at wala nang choice ang gobyerno matapos ang pagpalo ng mga kaso sa 304,793.

Iginiit ni Hancock na mahalaga ito para matugunan kaagad ang paglaganap ng virus na patuloy na kumakalat.

Sa ilalim ng mga bagong restriksyon bawal nang magkita indoors ang mga tao mula sa magkakaibang bahay sa Greater Manchester, na ikalawang pinakamalaking metropolitan area ng England.

Applicable rin ang nasabing kautusan sa mga nakapaligid na lugar ng Lancashire at West Yorkshire, kung saan ay maapektuhan ang mahigit 4-million na tao.

Samantala, base sa tala ng John Hopkins Resource Center ay pumalo na sa mahigit 17.4-million ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Makikita rin sa tala ang 675,545 global death toll, at mahigit 10.2-million na recoveries.