Close

Pagkakaron ng water reservoir, importante- Panelo

Sponsor ads


Naniniwala ang Palasyo na dapat nang ikonsidera ang panukalang pagkakaruon ng water reservoir ng bawat siyudad o lalawigan sa bansa.

Pahayag ito ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa harap ng nararanasang problema sa supply ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na nagkaruon ng ganitong senaryo kaya't kung siya ang tatanungin, panahon na para gawin ang naturang hakbang na kung saan, bawat siyudad o probinsiya ay mayrun sanang imbakan ng tubig.

Mukhang madali lang naman ayon kay Panelo na gawin ang konstruksiyon ng water reservoir na kahit kasing laki lang ng isang building ay pu-pwede na.

Sa ganitong paraan ay hindi rin naman nasasayang ang tubig na bumubuhos sa panahon ng tag-ulan at ss halip, ito ay naiipon at magagamit sa panahon ng tag- tuyot.