Close

Pagkain ng mani, nakakadagdag sa male fertility?

Sponsor ads


Ang pagkain umano ng nuts o mani ay nakakadagdag ng bilang at health ng sperm sa mga kabataan.

Ang resulta ng pag-aaral ay sumusuporta sa beneficial role para sa madaming nut consumption sa sperm quality.

Sa ginawang pag-aaral, nagsama ang researcher ng 119 na lalaki na nasa edad 18 hanggang 35 pagkatapos ay hinati sila sa dalawang grupo.

Ang isang grupo ay kumain ng 60 grams ng almonds, hazelnuts at walnuts araw-araw kasabay ng kanilang western style diet, samantala, ang pangalawang grupo naman ay hindi kumain ng nuts.

Matapos ang 14 linggo, ang grupong kumakain ng mani ay mayroong improvements sa kanilang sperm count, vitality, motility (movement) at morphology (shape).

Ang resulta ay hindi nagbabago sa sperm improvement na inobserbahan sa ibang pag-aaral na may diets na mayaman sa omega-3, antioxidants tulad ng vitamin C at E, selenium, zinc at folate.