Close

Pagiging masaya sa relasyon, nakakataba?

Sponsor ads


Napatunayan ng mga Scientist na ang pagiging masaya sa isang relasyon ay nagiging dahilan upang ang isang tao ay tumaba.

Sa mga nakalipas na panahon nagkaroon ng dalawang pag-aaral ukol sa bagay na ito, una ay oo kapag ikaw ay masaya sa isang relasyon ikaw ay nagkakaroon ng pagbigat ng timbang at ang pangalawa ay hindi wala itong epekto sa pagbigat ng timbang ng isang tao.

At lumabas nga sa isang pag-aaral na tinawag pang mating marketing model na ang mga tunay na nagmamahalan namagkarelasyon ay sabay na nakararanas ng pagbigat ng timbang.

Pagbaba naman ng timbang ang makikita sa mga taong hindi gaanong masaya sa kanilang relasyon sa kadahilanang nais nilang humanap o maka-attract ng bagong kasintahan.

Kaya naman ang mag-asawang masaya sa kanilang relasyon ay mababa ang tyansang bantayan ang kanilang timbang dahil na rin hindi nila nais pang humanap ng bagong kasintahan.

Ayon pa sa lead researcher na si Andrea Meltezer "Satisfaction is positively associated with weight gain".