Close

Paghahanap sa mga dumalo sa Islamic gathering sa Malaysia, pinamamadali

Sponsor ads


PINAMAMADALI ng Ministry of Interior ang Local Government o MILG ang pagtukoy sa 196 na mga Filipino Muslim na luamhok sa isang islamic gathering sa bansang Malaysia noong February 27, 2020.

Sa inilabas na advisory ni MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo, nakapaloob dito na ang lahat Provincial Governors, City/Municipal Mayor, Punong baranggays, at myembro ng Local Inter-Agency Task Force on COVID-19, ay kinakailangan magtulungan sa paghahanap sa nasabing mga indibidwal.

Dagdag pa dito na dapat na bilisan ang pagtunton sa mga nakilahok sa Ijtima Congregation upang malaman ang kanilang Health Status at maireport kaagad sa Regional Inter-Agency Task Force on COVID-19 ng rehiyon.

Samantala, ibinunyag naman ni NCMF Regional Director Datu Mama Sinsuat Jr.,na 19 sa 215 na mga ito. - Jom Dimapalao