Close

Paggiit sa WPS walang kinalaman sa eleksyon - Palasyo

Sponsor ads


Nilinaw ng Palasyo na walang kinalaman sa nalalapit na eleksyon ang biglaang pag-giit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi ito pang-aakit sa mga botante.

Paliwanag ng Palasyo, sadya lamang na naging matapang na ang punong ehekutibo kaugnay sa presensya ng China sa West Philippine Sea na sakop ng Pilipinas.

Matatandaan na noon pa mang nangangampanya palang si Duterte sa pagka-pangulo para sa May 2016 elections ay naging matapang na ito sa pag-kontra sa China.

Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin at naging malambot sa naturang bansa.