Close

Paggalaw sa mga presyo ng produktong petrolyo, asahan

Sponsor ads


Sa ikaapat na sunod na linggo ay tataas ang presyo ng gasolina, pero asahan naman na mababawasan ang presyo ng diesel at kerosene.

Sinabi ng kupanyang Shell na tataas ang presyo ng gasolina ng 25-centavos kada litro habang magro-rollback naman ang diesel ng 40-centavos, at kerosene ng 35-centavos.

Plano naman ng Petro Gazz na i-implementa ang mga parehong pagbabago maliban sa Kerosene na hindi nito binebenta.

Asahan nang magiging epektibo ang mga pagbabago sa mga presyo ng produktong petrolyo ng alas-6 ng umaga sa Martes (July 9).

Sa ngayon ay wala pang kaparehong announcements ang iba pang mga kumpanya.

Base sa huling datos mula sa Department of Energy, ang presyo ng mga gasolina ay naglalaro mula P43.20 hanggang P58.61, ang diesel naman ay nasa P39.05 hanggang P46.55 habang ang kerosene ay may agwat na mula P40.50 hanggang P53.75.

Nasa P4.90 kada litro na ang itinaas ng gasolina ngayong taon, nasa P3.70 kada litro naman ang sa diesel habang P2.10 ang sa kerosene.