Close

Pagbuhay sa death penalty, di pa napapanahon - PNP

Sponsor ads


Aminado ang Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon ang pagbabalik ng death penalty sa bansa sa gitna na ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karamihang nanalo sa Senado para sa midterm elections.

Ang usapin hinggil sa death penalty at iba pang panukala na itinutulak ng Duterte administration ay lumutang sa mga headlines matapos na magdomina sa partial, official vote count ng Comelec sina dating PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go.

Pero sa panig ng kasalukuyang liderato ng PNP, ay kailangan muna itong mapag-aralan nang husto, ma-i-set in place ang mga measures para hindi ito maabuso.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac na handa pa rin ang law enforcement agency, na suportahan ang naturang panukala sa oras na maisabatas ito.

Matatandaan na sa mga naunang pahayag, pabor sina Senate bets Dela Rosa, Imee Marcos at dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino na muling buhayin ang parusang bitay sa bansa para sa drug trafficking at iba pang heinous crimes.