Close

Pagbubukas ng PBA, hindi muna itutuloy

Sponsor ads


Ipinagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nakatakdang pagbubukas at pagsisimula ng ika-45 season ng basketball tournament dahil sa banta ng 2019 Novel Corona Virus.

Sa isang post sa social media, inanunsyo ng asosayon ang panibagong petsa ng pagbubukas ng liga na gaganapin sa ika-8 ng Marso na dapat sana ay sisimulan sa unang araw ng parehong buwan.

Samantala, ipinagpaliban din ang PBA- D Leauge na nakatakda sanang simulan sa darating na Pebrero 13 at ginawa naman itong ika-2 ng Marso.

Sa pahayag ng PBA, ang ginawang pagbabago ay parte ng preventive measures na isinasagawa para masiguro ang kaligtasan ng mga fans ng palaro.

Matatandaan na nagbabala ang Department of Health sa publiko na umiwas muna sa mga events na nilalahukan ng maraming tao para makaiwas sa posibleng exposure sa nakahahawang sakit.