Close

Pagbebenta at pag-inom ng alak, bawal sa Valenzuela sa ilalim ng ECQ

Sponsor ads


Bawal na ang magbenta o uminom ng anumang nakalalasing na inumin o alak sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Sa Ordinance No. 681 o Stay Sober Ordinance, bawal na rin ang pagbili at pag-biyahe ng anumang alak.

Ang ordinansa ay magpapatuloy habang epektibo ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) kung saan karamihan sa inuman ay nagkukumpulan sa isang lamesa.

Karaniwan din sa mga inuman ang paginom sa iisang baso lamang habang pinapaikot ang tagay na alak.

Ipagbabawal din sa mga lasing o nakainom na magpakalat-kalat sa mga pampublikong lugar; P5,000 ang multa sa bawat paglabag.

Sa ilalim din ng nasabing ordinansa, tatanggalan ng Business Permit ang mga establisyimentong mahuhuling lumabag sa ordinansa.




Photo courtesy of Jermaine Balajadia