Close

Pagbangga ng Chinese vessel sa Pinoy boat, aksidente- Army

Sponsor ads


Aksidente umano ang pagbangga ng Chinese vessel sa isang Pinoy fishing boat sa West Philippine Sea noong Sunday.

Ito ang sinabi ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines sa inilabas nilang statement.

Ayon sa Western Command, aksidenteng sumalpok ang Chinese ship sa bangkang pangisda ng 22 Pinoy crew sa Reed Bank noong alas dose ng madaling araw noong Linggo.

Mababatid na ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente.

Duda kasi ang ilan na aksidente ang nangyari at sinadya ng mga Chinese na banggain ang bangka ng mga Pinoy at inabandona pa ang mga ito nang lumubog ang bangka.