Close

Pagbagal ng GDP sa Q1 bunga ng delay sa budget

Sponsor ads


Isinisi ng gobyerno sa pagkaantala sa pagpasa ng pambansang budget ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang 3 buwan ng taon.

Mababatid na nasa 5.6 porsiyento lang ang itinaas ng gross domestic product o GDP mula Enero hanggang Marso, kumpara sa 6.3 porsiyento noong Oktubre hanggang Disyembre.

Noong nakaraang buwan lang nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act dahil sa bangayan ng mga mambabatas sa umano'y mga budget insertions.

Dahil dito, maaaring makumbinsi ang Bangko Sentral ng Pilipinas na babaan ang tubo sa mga utang simula sa Huwebes.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, papalo sana sa 6.6 porsiyento ang paglago sa GDP kung naipasa sa oras ang pondo.