Close

Pagbaba ng FDI noong 2018, pansamantala lang - DOF

Sponsor ads


Nilinaw ng Department of Finance na pansamantala lang ang pagbulusok ng foreign direct investments noong nakaraang taon.

Ayon kay Finance Undersecretary at chief economist Gil Beltran, sinasalamin ng pagbaba ng FDI noong 2018 ang global decline sa nakalipas na dalawang taon.

Sa buong 2018 ay naitala ang net FDI ng Pilipinas sa 9.8 billion dollars na mas mababa sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 10.4 billion dollars habang bumagsak rin ang net flows nang 4.4 percent.

Noong 2017 ay bumaba nang 6.5 percent ang global FDI na naitala sa 1.9 trillion dollars habang sa unang kalahati ng 2018 ay lalo pa itong bumaba nang 44 percent at naitala sa 432 billion dollars.

Paliwanag ni Beltran, dulot ito ng trade war sa pagitan ng Estados Unidos at China na sanhi ng pagbagal ng paglago ng world economy.