Close

Pag-veto ni Duterte sa P95B , may legal grounds - Drilon

Sponsor ads


Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na may legal na basehan at constitutional grounds ang ginawang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P95 bilyon na kwestunableng mga probisyon sa 2019 national budget.

Ayon kay Drilon, ang naging hakbang ng presidente ay base sa kasong Arroyo vs De Venecia GR No. 127255 noong Agosto 14, 1997.

Dito ay isinasaad ang pasya ng Korte Suprema kung saan pinagtitibay na ang mga 'attestation' mula sa Speaker of the House at ng Senate President ay kahayagan na ang batas ay kapwa inaprubahan ng Kongreso.

Katulad din ito ng ginawa kamakailan ni Senate President Tito Sotto kung saan nagpadala ito ng kaniyang reservations sa budget na may mga bahagi doon na hindi siya pumapabor ngunit nakasalalay pa rin sa presidente ang huling pasya.

Dahil dito, iginiit ng senador na walang anumang nalabag na batas ang punong ehekutibo dahil ang pag-veto sa anumang batas ay isang karapatang ibinigay sa kaniya sa ilalim ng Saligang Batas.