Close

Pag-rescue sa‘distressed ships', obligasyon at humanitarian duty'

Sponsor ads


Kinondena ni incoming Senate Committee on Foreign Relations Chair Sen. Koko Pimentel ang ginawang pag abandona ng mga Chinese sa mga Pinoy na mangingisdang biktima ng lumubog na sea vessel sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pimentel, sino man ang may kasalanan sa insidente, hindi kailanman dapat abandonahin ng isang able ship ang crew ng isang lumubog na sasakyang pandagat.

Ang pag rescue aniya sa mga distressed person sa karagatan ay hindi lamang obligasyon sa ilalim ng international maritime law, kundi isa ring humanitarian duty.

Ipinaliwanag ng senador na sa ilalim ng International Convention for the Safety of Life at Sea o SOLAS, itinatadhana ang obligasyon ng assistance sa mga distressed ships.

Lalo na aniyang mas dapat itong ginawa ng China kung sila rin mismo ang dahilan ng paglubog ng isang sea vessel.

Kaugnay nito, hinimok ni Pimentel ang mga otoridad na alamin ang tunay na salarin ng insidente upang makapaghain ng karampatang protesta ang bansa.// GLENN PARUNGAO