Close

Pag-improve ng Philippine team, hindi kakayanin ng isang coach - Baldwin

Sponsor ads


Naniniwala ang American-Kiwi basketball coach na si Tab Baldwin na hindi kaya ng iisang tao na solusyunan ang mga problema ng Team Philippines.

Sinabi ito ni Baldwin matapos maging last place ang Pilipinas mula sa 32 bansa na lumahok sa 2019 Fiba World Cup.

Naging dahilan ito upang magkaroon ng panawagan na maibalik si Baldwin bilang coach ng national team.

Ayon kay Baldwin, hindi kakayanin ng coach at players na resolbahin ang problema ng team ng nag-iisa.

Paliwanag ni Baldwin, ito ay isang scientific process kung saan ay dapat maging involved ang maraming tao sa diskusyon.

Kailangan rin anya ang paggawa ng napakahirap na desisyon na pag-iisipan ng mga tao na may "high-quality basketball minds" sa bansa.

Matatandaan na dati nang nagsilbi si Baldwin bilang coach ng national teams ng Malaysia, New Zealand, Lebanon at Jordan bago pumunta sa Pilipinas upang maging consultant, na kalaunan ay naging head coach ng Gilas.

Matatandaan na naging head coach ng Ateneo Blue Eagles si Baldwin matapos itong palitan ni coach Chot Reyes sa national team noong October, 2016.

(Photo via Philstar)