Close

Pag-atake sa Mali village nag-iwan ng halos 100 patay

Sponsor ads


Halos 100 tao ang patay sa pag-atake sa isang village sa central Mali na tinitirahan ng Dogon ethnic group.

Nangyari ang pag-atake sa Sobame Da, malapit sa bayan ng Sanga sa Mopti region.

Sinabi ng mga awtoridad na nasa 95 na ang bilang ng mga bangkay na kanilang nare-rekober habang nagpapatuloy pa ang paghahanap.

Ibinahagi naman ng survivor na kinilala ang sarili bilang Amadou Togo na tinatayang nasa 50 armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo at pickups ang pumalibot sa kanilang lugar bago sila atakehin.

Anya, lahat ng mga sumubok na tumakas ay kanilang pinatay habang dinamay pati ang mga kababaihan, bata, at matatanda.

Sa ngayon ay wala pang natutukoy na grupo na responsable sa pag-atake.

Nitong mga nakalipas na buwan ay naging sunod-sunod ang pag-atake ng jihadist groups sa nasabing lugar.

Napapadalas na rin ang sagupaan sa pagitan ng Dogon hunters at ng semi-nomadic Fulani herders.