Close

Pag-atake ng Turkey sa Syria, tatalakayin sa UN Security Council meeting

Sponsor ads


Inanunsyo ng dalawang UN diplomats na magkakaroon ng closed-door meeting ang United Nations Security Council para pag-usapan ang stiwasyon sa Syria.

Ginawa ng UN diplomats ang announcement matapos simulan ng Turkey ang opensiba ng militar nito sa northern Syria para paalisin ang US-backed Kurdish forces mula sa border nito.

Hiniling ng 5 European countries ang nasabing meeting kabilang na ang France, Germany at United Kingdom.

Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres na labis itong nababahala sa mga developments sa northern Syria.

Nanawagan naman si Guterres na maprotektahan ang mga sibilyan alinsunod sa international law.

Iginiit rin ng UN Secretary General na dapat ay marespeto ang soberenya at territorial integrity ng Syria sa kahit anong solusyon.


(Photo: Kerem Kocalar/ Anadolu Agency)