Close

Pag-alis kay Baldwin sa TNT, walang kinalaman sa mga komento nito sa PBA - manager

Sponsor ads


Nilinaw ng TNT KaTropa na ang desisyon nito na tanggalin si Tab Baldwin bilang assistant coach at consultant ng kuponan ay matagal nang napagdesisyunan bago pa naipatupad ang nationwide lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon kay TNT manager Gabby Cui, walang kinalaman ang pagkakasibak kay Baldwin sa mga kontrobersyal nitong pahayag tungkol sa PBA, sa mga coaches at iba pa.

Ipinaliwanag ni Cui na nakaka-adopt na ng maayos ang KaTropa sa sistema nina Coach Bong Ravena at Consultant Mark Dickel.

Dagdag ng TNT manager, mag-fofocus si Baldwin bilang head coach ng Ateneo, na may mahigpit na kapit sa TNT franchise na pag-aari ni Manny Pangilinan kasabay ng pananatili nito bilang program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Matatandaan na pinangunahan ni Baldwin ang Blue Eagles sa malinis nitong kampanya sa UAAP Season 82 kung saan ay nakamit nito ang senior men's basketball title.

Samantala, bilang SBP program director ay patuloy nitong babantayan ang preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cap.