Close

Pacquiao, target na makalaban ni Crawford

Sponsor ads


Inihayag ni WBO world welterweight champion Terrence Crawford na nais nito na sunod na makalaban si Senator Manny Pacquiao.

Sinabi ito ng three-division champion matapos ang kanyang ikaapat na matagumpay na title defense laban kay Kell Brook.

Ayon sa 33-anyos na si Crawford, nais niyang magkaroon ng unification bout laban kay Pacquiao, na kasalukuyang may hawak sa WBA welterweight title.

Ibinunyag rin ni Crawford na kamuntikan nang matuloy ang laban nila noon ni Pacquiao kung hindi lang nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Mababatid na napigilan ni Crawford si Brook sa 1:41-mark ng ikaapat na round.

Dahil dito ay nagwagi via TKO si Crawford, na may malinis na 37-win record, kabilang na ang 28 knock-outs.