Close

Pacquiao, nais pang patagalin ang career sa boxing - Roach

Sponsor ads


Walang pa rin balak magretiro sa boxing ang 40-anyos na si Manny Pacquiao.

Ito ang inanunsyo ng isa sa mga pinakatanyag na trainer ng boxing sa buong mundo na si Freddie Roach.

Ayon kay Roach, nais pang patunayan ng Filipino 8-division world champion na siya ang pinakamagaling sa kanyang larangan.

Pagkatapos ng laban nina Pacquiao at ng US fighter na si Adrien Broner ay nais ni Roach na makatapat ng Pambansang Kamao ang ilan sa mga top dogs ng 147-pound division.

Kabilang na dito sina Errol Spence Jr, Keith Thurman, Danny Garcia, Shawn Porter, at Terrence Crawford

Matatandaan na sinabi ni Pacquiao na kung malusutan niya si Broner sa January 19 ay posibleng pipili siya sa pagitan nina Spence at Garcia bilang susunod niyang makakalaban.