Close

Pacquiao, matanda na para hamunin ng mga batang fighters – Mayweather

Sponsor ads


Binigyang diin ni Floyd Mayweather Jr na hindi na dapat hinahabol ng mga dekalibreng boksingero si eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Mayweather, masyado na umano matanda si Pacquiao para ipares pa sa mga mas bata at malakas sa kanya.

Para sa boksingero, dapat hinahayaan nalang ang pambansang kamao na pumili kung sinu ang gusto niya makalaban, sa harap ng mga napagtagumpayan na nito.

Giit rin nito, dapat sina Errol Spence Jr at Terence Crawford, mga multiple division champion na sina Mikey Garcia at Danny Garcia; at ang mga dating kampeon na sina Shawn Porter at Amir Khan ang dapat magharap-harap nalang, matapos na magpahayag ang mga ito ng interes na makipagbakbakan sa WBA super welterweight champion.

Matatandaan na plano pa sana ni Pacman na makaharap ngayong taon sina Mayweather, MMA superstar Conor McGregor, bago sana ang coronavirus pandemic.