Close

Pacquiao, mahihirapan kay Matthysse - Arum

Sponsor ads


Hindi kumpyansa ang boxing promoter na si Bob Arum na magiging madali para kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang magiging laban nito kontra kay WBA welterweight champ Lucas Matthysse ng Argentina.

Ayon kay Arum, hindi naging maganda ang mga huling laban ni Pacquiao.

Ipinunto rin ni Arum na napakahalaga ng laban ni Pacquiao kay Mattysse dahil ito lamang ang nakikita niyang paraan para maka-move on ang Pambansang Kamao.

Dagdag ni Arum, kung sakaling manalo si Pacquiao sa July 15 ay mabibigyan naman ito ng pagkakataon na makalaban ang Ukraninian Dynamite na si Vasyl Lomachenko.

Matatandaan na nakatikim ng knock out si Pacquiao noong 2012 sa kamay ni Juan Manuel Marquez.

Naging mabigat rin para sa career ni Pacquiao ang naging pagkatalo niya kay Floyd Mayweather Jr. noong 2015 at kay Jeff Horn noong nakaraang taon sa Brisbane, Australia.