Close

Pacquiao, kayang talunin si McGregor sa loob ng 2 rounds - conditioning coach

Sponsor ads


Nanininwala ang Los Angeles-based Australian strength and conditioning coach na si Justine Fortune na kung sakaling pumayag si WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao na labanan ang MMA fighter na si Connor McGregor, ay matatapos kaagad ang laban sa loob ng 2 rounds kung saan ay babagsak ang Irishman.

Sinabi ni Fortune, na nakatrabaho ni Pacquiao simula pa noong 2003, na magiging mabilis at madali ang laban para sa boxing senator.

Ipinunto ni Fortune na magiging "massive money fight" ang tapatan ng dalawa, na matagal nang gustong mangyari ng buong mundo.

Ayon kay Fortune, maraming tao ang galit kay McGregor, at gusto nilang makita ito na bugbog-sarado.

Mababatid na nakatakdang makalaban ng 32-anyos na si McGregor si Dustin Poirier sa octagon sa Dubai sa January 23.

Marami ang nagsasabi na pang-warm up lamang ni McGrego si Poirier dahil katulad ito ni Pacquiao na southpaw kung lumaban.

Matatandaan na ginawa ni McGregor ang kanyang pro boxing debut sa laban kung saan ay natalo siya kay Floyd Mayweather Jr, sa pamamagitan ng 10th-round stoppage.

Gayunman, umuwi noon si McGregor na may garantisadong $30-million at nakalikom ang nasabing laban noon ng $55.4-million na halaga ng ticket sales, at 4.3-million pay-per-view hits sa US at Canada.