Close

Pacquiao, kakasuhan si Arum, Top Rank

Sponsor ads


Lalo pang lumalim ang alitan nila boxing legend Manny 'Pacman' Pacquiao at dati nitong professional firm na Top Rank.

Kakasuhan ni Pacquiao ang promotional firm matapos na mabigo itong ibigay sa boksingero ang kanyang share sa television earnings ng kaniyang laban kontra Lucas Matthyse sa Kuala Lumpur, Malaysia noong July 15.

Sinabi ng pound-for-pound champion na may kasunduan umano siyang pinirmahan kasama ang top rank, na pinangungunahan ni Bob Arum, na nagsasabing makakatanggap si Pacquiao ng 85 percent ng TV earnings ng kanyang nakaraang laban.

Nauna nang sinulatan ng legal team ni Pacman ang Top Rank para sa bayad ngunit 'di umano sumagot ang promotion firm, ayon kay Pacquiao.

Mababatid na balak na ipalaban ng Top Rank ang eight-division world champion sa welterweight champion na si Terence Crawford. // John Angelo Salas -ojt