Close

Pacquiao, boluntaryong tuturuan si Bato sa pagiging senador

Sponsor ads


Nagboluntaryo si Senator Manny Pacquiao sa pagtuturo ng kanyang kaalaman sa paggawa ng batas sa Senado kay dating polcie chief Ronald "Bato" dela Rosa.

Inaasahan na ang pagkapanalo ni dela Rosa sa eleksyon na kasalukuyang nasa ika-limang pwesto ng senatorial race.

Sa kabila nito ay sinabi ni dela Rosa na kailangan niya pa ng training at seminar kaugnay sa paraan kung paano gumawa ng batas.

Sa unang press conference ng PDP-Laban pagkatapos ng eleksyon ay dinipensahan ni Pacquiao si dela Rosa mula sa mga kritiko.

Ayon kay Pacquiao, hinusgahan kaagad ng mga krtitiko si dela Rosa na tila wala itong alam.

Naniniwala si Pacquiao na ang ibig sabihin ni dela Rosa ay gusto nito matutunan ang mga patakaran at proseso sa Senado.

Sinabi ni Pacquiao na pwede niyang ituro kay dela Rosa ang nalalaman niya sa proseso sa Senado at pwede rin ito umattend sa training ng Development Academy of the Philippines para sa legislation.

Matatandaan na pinangunahan ni dela Rosa bilang pinuno noon ng Philippine National Police, ang anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.