Close

PUIs sa EV, 1 nalang; 4 sa Cagayan re: COVID-19

Sponsor ads


Isa na lamang ang natitirang person under investigation (PUI) sa ospital sa Eastern Visayas na nagpapakita ng sintomas ng coronavirus o COVID-19.

Ayon kay Dr. Minerva Molon, director ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas, ang natitirang kaso ay isang 25 anyos na babae mula sa Samar na nagtrabaho sa Jiangsu, China.

Dumating ang pasyente sa bansa para magbakasyon noong Enero 30 pero na-confine noong Pebrero 11 matapos makaranas ng sore throat, ubo, at sipon.

Umaasa ngayon si Molon na magne-negatibo sa sakit ang swab na kinuha mula sa nasabing pasyente.

Samantala, nasa anim na pasyente naman ang na-discharge sa Cagayan matapos mag-negatibo sa coronavirus.

Sa gitna nito, apat na iba pang pasyente naman mula sa mga probinsya ng Cagayan at Apayao ang nasa isolation rooms at patuloy na mino-monitor kaugnay ng COVID-19.