Close

PUI sa COVID-19, pumanaw dahil sa cardiovascular attack

Sponsor ads


Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumanaw na ang isang pasyenteng minomonitor para sa COVID-19 dahil umano sa cardiovascular attack.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire, ang 71-anyos na Filipino ay naka-confine sa ospital sa La Union, matapos itong makaranas ng ubo.

Nabatid na mayroon itong travel history mula sa Taiwan, mula January 24 hanggang 31.

Samantala, nagnegatibo naman ang pasyente sa coronavirus, batay sa mga isinagawang test.

Ang naturang pasyente ay ang ikatlong kaso ng PUI mortality sa bansa habang ang unang dalawang iba pa ay pawang mga Chinese nationals na pumanaw dahil sa pneumonia.