Close

PT&T, nakakakita ng iregularidad sa bidding process ng NTC

Sponsor ads


Nakakakita ng iregularidad sa bidding process ng National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology ang isa sa mga pinakamatandang telecommunications company sa bansa.

Ayon kay James Velasquez ng Philippine Telegram and Telephone corporation, hindi ibinigay ng NTC ang kinakailangan na technical capacity documents hanggang sa kahuli-huliang minuto na naging dahilan ng kanilang diskwalipikasyon.

Matatandaan na mula sa sampung kumpanya na nagpakita ng interes na maging 3rd telco player sa bansa, ay tatlo lamang ang nakasali sa bidding.

Pareho kasing nadiskwalipika ang PT&T at Sears Telecommunications na kinabibilangan ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson dahil sa kabiguan ng mga ito na magpasa ng requirements sa takdang panahon.

Dahil dito ay idineklara ng NTC bilang provisional third major telco player ng bansa ang Mislatel Consortium na binubuo ng state-owned China Telecommunications Corporation at ng mga korporasyon na pagmamay-ari ng Davao-based businessman na si Dennis Uy.

Mababatid na si Uy ay isa sa mga pinakamalaking campaign contributors ni Pangulong Rodrigo Duterte.