Close

PRRD, pinamamadali ang pagpoproseso ng gobyerno sa mga papeles

Sponsor ads


Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa mabagal na pagpoproseso ng gobyerno sa mga papeles.

Sinabi ito ng Pangulo habang nasa gitna ng briefing kaugnay ng krisis sa Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa Pangulo, gagawa siya ng Executive Order na magpapabilis sa processing ng mga papeles.

Anya, dapat ay matapos ang mga paperworks sa loob ng 2-3 araw.

Sinabi ng Pangulo na pagpapaliwanagin niya ang mga mabibigo na sumunod sa kanyang 2-3 araw na deadline.

Dagdag ng Pangulo, kailangan ng bawat ahensya ng log book kung saan ay pwedeng ma-monitor ang mga papeles na kailangan ma-proseso.